Thursday 28 April 2011

2 Hours

Kahapon ng alas-4, hindi ko malaman ang gagawin ko sa extrang 2 hours na wala pa akong gagawin(?). Iniisip kong mag-Rockband pampatanggal ng stress, o kaya ituloy ang panonood ng season 5 ng Lost (episode 10 na ko) kase may season 6 na, gusto ko din sanang mag-recording ng mga 2 or 3 songs na na-compose ko at i-convert sa mp3, o kaya mag-jogging para practice run sa sasalihan ko sa Sunday na Earth Run (yung sa the Fort, hindi sa MOA), pwede ko rin tingnan kung naayos na yung swimming pool sa subdivision namin para naman mabawasan ang init ng panahon. Humiga muna ako sa sofa namin at pumikit habang nagde-decide kung ano nga ba ang gagawin ko. Pagdilat ko ulit, halos alas-6 na. Nakatulog pala ako.

Tuesday, Apr 13, 2010

Martesanto

Akala ko wala ng trapik ngayong mahal na araw. Ine-expect ko kase na marami ng hindi papasok, marami ng naka-leave sa mga opisina at wala na ring pasok sa eskwela. Tumatakbo na nga ng 135 pa-southbound ang sasakyan ko sa C5 ng biglang magmabagal ang SUV sa harap ko. Mabuti na lang magaling ako at natapakan ko agad ang preno! Medyo nag-skid nga pero ok naman, hindi naman ako kinabahan (ngayon medyo sigurado na kong hindi break fluid yung tumutulo sa ilalim ng kotse ko). Minsan ko lang kase magamit ang break ng kotse tulad kahapon. Hindi naman ako kaskaserong magmaneho. Salamat na lang at walang nangyari sa akin. Salamat na lang din at magaling talaga ako.

Mga 10 minutes din siguro na usad pagong kami ng biglang makita ko ang dahilan sa bandang kaliwa. Kaya naman pala. May isang kotse na nakatagilid sa daan. Sa northbound!!! Kaya paglagpas sa pinangyarihan ng aksidente, parang walang nangyari na muling nagpatuloy ang ikot ng mundo, na muling umikot ang mga kamay ng relo, na muling nag-fast-forward ang buhay, na biglang bumilis ang daloy ng trapiko.

Wednesday, Mar 31, 2010

In Can, Can U?

Kumain kami nung isang araw sa isang fast food. Tinanong ako kung ano daw ang drinks namin. Sumagot ako, ano ba ang drinks nyo? Softdrinks-in-can lang daw. Sabi ko sige isa. Tapos tinanong ako, i-large natin ang drinks?

Friday, Feb 26, 2010

V Day

V Day

Nag-date ba kayo kahapon? Kasabay ng lahat ng mga taong nakapula? May narinig ako sa radyo na nag-e-explain kung bakit pula ang kulay ng Valentines Day. Dahil daw sa namumula sa galit ang mukha ng babae pag nakalimutan ng lalaki ang Valentines, tapos yung lalaki naman namumula sa pagkapahiya.

Paano kaya kung ganito ang nangyari sayo. Di ba nag-date kayo ng GF mo. Siyempre kakain kayo, at nagdecide na sa food court na lang kumain kase madalas puno ang mga restaurants pag ganitong panahon. At nagkataon magkaiba kayo ng nagustuhan na kainin kaya nagkanya-kanya muna kayo ng bili. Nag-set na lang kayo ng pwesto kung saan kayo uupo. Ikaw naman pagkabili mo, kumuha ka ng dalawang pair ng kutsara at tinidor. Siyempre isa para sayo, isa para sa GF mo. Ang sweet, diba? Tapos pagdating ng GF mo, may dala ring kutsara at tinidor! Ang masama nga lang, isang pair lang ang dala nya.

Mamumula ka rin kaya sa galit pag ganon?

Feb. 15, 2010

Nakuryente

Q: Kelan pa naging mas magaling ang tatay sa anak nyang electrical engineer pagdating sa kuryente?

Thursday, Nov. 19, 2009

Ngayon Ang Simula

Tinanong ako ng papa ko kung gusto ko daw lumipat ng registration para sa botohan next year. Nasa probinsiya daw kase ang “laban”. Naisip ko eto na naman tayo, sasabihin ko na naman na wala akong time pumunta sa probinsiya para lang magpa-rehistro at umuwi din agad pagkatapos. Ilang botohan na kong sinasabihan ng ganito, at ilang beses ko na din naibigay ang alibi ko. Pero mukhang hindi uubra ang palusot ko ngayon. Sabi kase sa akin, mag-download daw ako ng forms sa internet, fill-up-an ko, at dadalhin nila this weekend dahil uuwi daw sila doon.

Tsk tsk tsk… Malamang na magtatalo na naman kami bago dumating ang Sabado! Pero ewan ko ba, talaga lang may mga bagay na hinding-hindi mo mababago sa pag-iisip ko. Tulad ng hindi ko pagsunod sa uso; sa pakikipagdiskusyon sa kuya ko hanggang mauwi sa cold war na tumatagal ng buwan; sa hindi pagkain ng chocolate na may mani pero mani na may chocolate oo; sa pagpi-feeling gitarista o feeling-writer ko; sa hindi pagtatrabaho sa abroad kahit marami ang nagsasabing i-try ko, dahil sigurado ako sa sarili ko na yayaman ako kahit papaano kahit dito lang ako sa Pilipinas magtrabaho; tulad ng kagustuhan kong magpahaba ng buhok dahil pakiramdam ko mas mukhang bata ako, bukod pa sa mas lalo akong nagiging gwapo; ng pagiging paborito kong banda ang WUDS kahit ni isang beses hindi ko pa sila naririnig tumugtog ng live; sa pagbansag sa sarili ko na Pating kahit hindi ako marunong lumangoy; at eto nga, sa pag-iinsist na bumoto kung saan kami nakatira ngayon at hindi sa probinsiya. Kasama lahat ang mga katangiang ito na bumubuo sa sarili ko. At kung magpapaimpluwensiya ako sa ibang tao, sino na ko?

Masyadong malaking bagay kase ang gustong nyang ipagawa sa akin. Hindi na ito kasama sa responsibilidad ng anak sa ama, na kailangan sundin ng anak ang lahat ng sabihin ng kanyang magulang. Hindi na ako bata. Dati, hindi ko din masyadong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay tungkol sa pagboto. Pero isa ito sa basic rights ng isang tao. Kung ipamimigay mo lang, sayang. Kokonti na nga lang ang mga karapatan natin na hindi natatapakan. Parang ipinagbili ko na din ang boto ko kung ganon. Ang kaibahan nga lang, nabili ang boto ko ng hindi ako binayaran. Paano pa ako makakapagreklamo kapag may nakita akong hindi magandang nangyayari sa lugar namin, eh hindi naman ako dito bumoto? Kasalanan ko pa ngayon kung papayag ako sa ipinagagawa sa akin. Kasalanan nga, sa sarili ko.

Kaya simula ngayon…

Wednesday, Oct 28, 2009

Extra Rice

Kaninang lunch, mag-isa lang ako kumain sa isang fast-food restaurant. As usual, chicken with gravy and bibilhin ko sana. Ang kaso, wala daw delivery ng chicken. Siguro the whole week wala because of typhoon Ondoy. Kaya nag settle na lang ako sa next best thing, chicken steak. Burger na nga lang sana pero mas gusto kong rice meal ang kainin ng lunch, tapos yung burger for merienda. Laging 2 rice ako pag kumakain ng chicken with gravy but this time since chicken steak ang kakainin, one rice lang ang in-order ko. Hindi ko kase sure kung masasarapan ako o baka hindi kumasya sa 2 rice ang ulam ko.

Habang kumakain na ko, napansin kong medyo malaki naman pala yung chicken steak at mas mauunang maubos ang rice ko. Eh magpa-pack pa naman kami ng mga relief goods sa opis after lunch. Naisip ko kailangan kong mag-carbo loading. Ng mapalapit sa akin ang isang service crew, tinanong ko kung magkano ang extra rice at kung pwedeng magpabili. Pag may kasama akong kumakain, lumalapit talaga ako sa counter para bumili kung may additional kaming gustong kainin. Pero kapag mag-isa lang ako tulad ngayon, mas gusto kong magpabili sa mga crew. Baka kase pag umalis ako sa pwesto ko, akalain nila na wala ng kumakain at ligpitin ang pagkain ko. Ang sagot sa akin ng crew, hindi daw nya alam kung magkano. Saka bumili na lang daw ako sa counter kase nag-iisa lang din siyang naka-shift ngayon. Napansin ko nga na kanina pa rin siya pabalik-balik, kung ano-ano ang nililigpit at nililinis. Kaya hindi naman ako nainis o nagalit sa sagot nya. Wala naman din kase gaano nakapila at malapit lang sa counter ang pwesto ko.

Kaya pagkatapos ko isubo ang huling subo ng rice, uminom lang ako ng isang lagok ng soft drink at tumayo na para bumili ng extra rice. 15 pesos daw sabi ng nakangiting cashier, kaya kumuha ako ng 3 5 peso-coin sa coin purse ko sabay balik na sa upuan ko na hindi ko na kinuha pa ang resibo. Pag tingin ko sa upuan ko, nililigpit na ng service crew ang pagkain ko.



Wednesday, Sep 30, 2009

Sana Nagdala Na Lang Ako Ng Sasakyan Kanina

Halimbawang nagmamaneho ka ng kotse at biglang may tricycle na nag-cut sa dadaanan mo dahil nagmamadali siyang pumunta sa magandang ale na pumara sa kanya, magagalit ka ba? Yung tipong todo mura ang aabutin sayo ng tricycle driver na may kasama pang pagbabantang “Umuna ka sa akin, babanggain talaga kita!”? Na hindi mo na naisip na baka may dalang tubo yung driver at bigla na lang hampasin ang kotse mo? O kaya may home-made na baril tapos bigla ka na lang barilin? Baka lahat ng ibang tricycle drivers na nandoon sa lugar na iyon ka-tropa nya at pagtulungan ka lahat nila? Na hindi mo na naisip na may kasama kang asawa at anak na maaaring mapahamak? Hindi man dahil sa anumang maaaring gawin ng driver ng tricycle kundi na rin sa pagmamaneho mo na mainit ang ulo? Kung may edad ka na at baka nasa 10 to 20 years max na lang ang ilalagi mo sa mundo, hindi ba dapat nag-iipon ka na ng good karma dahil hindi ka nakakasiguro na sa langit ang punta mo?

Dapat kung tumanda ka na, alam mo ng walang idudulot ang pagpapatalo sa galit at inis. Habang naririnig ko lahat ito, parang ako mismo gusto ko na ring mapuno. Pero hindi, ayaw ko na.

Ilang buntong hininga lang ang katapat nyan.

Ilang bulong sa sarili.

Sana huwag akong maging ganoon pagtanda ko. Sana mas makontrol ko ang sarili ko. Sana mas maaga akong umalis kanina. Sana nagdala na lang ako ng sasakyan kanina…

Shout-out

While on the way to work this morning, I overheard a father talking to his wife. “Baka trapik sa Heritage ngayon.” The wife answered, “Bakit magta-trapik, eh bukas pa ang libing?” (Referring to the burial of Tita Cory.)
“Akala ko ngayon.”
“Saka hindi naman sa Heritage ang libing. Sa Manila Cathedral nakaburol. Sa Manila Memorial ang libing.”
“Akala ko nga ngayon.”
“Saan ba ang daan papuntang Paranaque? Sa Roxas boulevard.”
“AKALA KO NGA NGAYON!”, this time louder as if shouting with a mix of anger and annoyance.

The man ended the conversation with “I would rather shut my mouth.”

Well, he really should have just shut his mouth!


Aug 4, 2009
1:18 PM

Goal

Kagabi habang nakasakay ako sa fx pauwi ng bahay, napansin ko yung isang pasaherong kasabay ko. Mukhang pamilyar, parang yung isang ka-eskwela ko ng elementary. Pero hindi ako sigurado, ilang taon na nga ba ang nakaraan? 20 years? 20 long years! Dapat yata nagre-reunion na kami ngayon! Kaso pag reunion diba nagtatanungan ng mga narating sa buhay? Yung iba nga talagang payabangan eh. Eh ako, ano na nga ba ang accomplishments ko sa buhay na pwede kong ipagyabang? Well for one thing, I got married to the most gorgeous woman on the planet! No, I’m not married to Angelina Jolie. Pangalawa lang siya sa pinakamagandang babae sa mundo, misis ko yung no. 1. At hindi rin si Brad Pitt ang pinakagwapo (dapat alam mo na kung sino kung mataas ang IQ mo).

3 lang naman ang goals ko sa buhay. Siyempre unang-una yung tungkol sa lovelife ko. And as I have said, I’m married to the most gorgeous woman, we have the cutest kid who looks exactly like me, we’re about to transfer to our new home in a couple of months, my dad bought a not so new car for us. So basically, check na ako on my 1st goal.

My 2nd goal is about work. Well I can say I’m still young (looks young if you insist) and probably will change companies still. And although my current job is not a regular one, it provides for us for now. More than enough actually. At medyo kampante ako na hindi nila ako pwedeng basta-basta tanggalin dahil sa akin nakasalalay ang trabaho nila! Ang plano ko kase, maghanap ng regular position na work after maybe 2 to 3 years. Sa ngayon ok na ako sa current na trabaho ko. Yung tipong pagdating mo ng opis, breakfast muna. Tapos check emails. Mag-cr. Browse-browse ng konti. Work ng “marami”. Sulat ng blog ng konti. Cr ulit. Kain. Work ulit ng “madami”. Tapos mag-stay pa ng konti after 5PM para kunwari busy. OK lang kahit madami ang work, hindi naman ako masyadong nahihirapan sa ginagawa sa araw-araw. Kaya sa 2nd goal ko sa buhay, konti na lang check na din.

And now for my 3rd goal. If only I could be a ROCKSTAR! I got the talent, the songs, the looks. All I need is a good talent manager. Anyone?

(Leave your email address if you wish to hear a sample from the greatest rocker the world has never known)

Friday, Jul 10, 2009

Supreme Sacrifice

May outing ang dept namin sa opis. Originally Sat ang alis, kaso maraming nagreklamo. Ginawang Friday after lunch, with 1 condition. For every team, may maiiwan dapat na isa. Not exactly maiiwan pero 4:30 ang alis. So ang mangyayari, hindi ka na nga nakaalis ng 1PM, kailangan mo pang mag-pretend na nagta-trabaho hanggang 4:30. Ang sabi nga namin, dapat parang merong incentive para sa mga late aalis. Pwedeng wala na lang bayad sa outing (hindi kase libre ang outing namin), o kaya pwedeng ipang-offset ang 3.5 hours (pambayad sa absent).

At eto na, lumapit ang boss ko sa amin. May dalang dalawang papel. Magbunutan daw kami ng isang ka-team ko para malaman kung sino sa amin ang 1PM aalis at kung sino sa 4:30. Nagkangitian kami dahil pareho kaming ayaw bumunot. Parang ang hirap kase. Either ikaw o ako. Eh pareho naming gustong 1PM umalis. Sa akin nga, parang ok na sa akin iyon, suwertihan na lang. Sori sa mamalasin. Kaya nabigla ako ng biglang sabihin ng ka-team ko na “Sige po ma’am, ako na lang!”. Parang hindi kase pumasok sa isip ko na mag-volunteer. Hindi ko din sigurado ng panahon na yon kung ano ang dahilan nya para magparaya. Supreme sacrifice ang dating eh. Sa sobrang bait ko hindi ko pa din naisipang gawin yon.

Ang problema nga lang nya ngayon, kami paalis na, siya mamaya pa! Hehehe…

May 15, 2009

Cable TV

Nagpapalit kami ng cable TV ngayon. Kung magpupustahan tayo kung mahuhulaan mo ang reason, malamang na mananalo ako. Kase kahit ako hindi ko masyadong maintindihan. Nawala kase ang showing ng karera ng kabayo sa dating cable namin. Doon sa bago meron. Kaya nag-decide na magpalit ng cable ang papa ko. Imbes daw na tumambay pa siya sa OTB, sa bahay na lang daw. Ewan ko kung bakit ayaw nyang tumambay doon, pero sana kung talagang ayaw nya eh huwag na siyang pumunta doon ng tuluyan! Binigyan na nga siya ng isang dahilan para itigil na nya ang bisyo nya sinayang pa nya. Sayang kase ang pangtaya nya eh wala na rin naman siyang source of income ngayon. Oo minsan tumatama siya pero sa tingin ko sa mahabang panahon na pagtaya nya doon, siguradong mas madalas ang talo kesa sa panalo. Ganon naman sa lahat ng sugal. Kung ang iri-reason nya ay pangpaubos ng oras o libangan, ang daming pwedeng gawin na mas productive kesa sa pagtaya sa karera. Pwede siyang mag-aral magluto, mag-gardening, mag-alaga ng mga apo, mag-exercise, maging barangay-tanod. O kung gusto nya, tuturuan ko siyang mag-gitara. Baka sakaling maging close kami kahit konting panahon lang. Sabi nga niya sa amin dati, it’s not too late!

November 11, 2008

Fortitious Event

May baon akong sandwich kahapon. Hindi ko nakain. Kaya ibinaon ko ulit. Kaso meron pa kong ibang baon na tinapay ngayon. Hindi ko alam kung paano ko kakainin lahat. At sa isang hindi mapipigilang pangyayari, may nakita akong namamalimos na bulag sa hagdanan ng MRT. Sabi nya, “pang-kain lang po”. Na-solve bigla ang problema ko!

October 31, 2008

Ka-table

Nag-lunch ako mag-isa kanina sa fastfood. Wala kase yung usual kong kasabay, kaya wala akong kasama. Although medyo ok lang naman sa akin yon, parang nakaka-lungkot lang minsan na wala kang kasabay kumain. Lalo na pag may nakita kang mag-syota na kumakain tapos nagsusubuan pa… ng french fries. May naisip tuloy akong additional service na dapat ino-offer sa mga fastfood. Katulad nung mga pakulo nila dati na pwede kang um-order ng libreng smile. Ngayon naman pag order mo ng 1-piece chicken, pwede kang umorder ng ka-table. Siyempre wholesome dapat ito. Yung ka-table na pwede kang tabihan habang kumakain, makikipag-kwentuhan sayo, yung pwede rin na makipagsubuan sayo. Tapos pwede mong ipa-upsize, naka-costume na mascot ang crew na tatabi sayo. Diba magandang idea, para wala ng mag-iisip sayo kung bakit ka kumakain ng mag-isa.

August 13, 2008

Chocolates, Anyone?

May tumapik sa likod ko habang nakatitig ako sa computer kanina. Kung gusto ko daw ng chocolate. Paglingon ko may chocolate nga! Kaso may mani. Sabi ko bakit may mani. Paborito daw nya kase ang nuts kaya pag bumibili sila, madalas yung may nuts. Sabi ko naman, ako ayaw ko ng chocolate na may mani. Pero mani na may chocolate, paborito ko!



July 25, 2008

Selling Out

Ilang beses na din akong tinatanong ng kakilala ko kung tama daw ba yung bumibili sila ng mga mamahaling mga bagay, kumakain sa mga “fancy restaurants” sa naiipon nilang pera. Saka sabi nya, ang ginagastos daw nila yung “extra lang”. Meaning yung kinikita nila aside from their salary. (Kung gusto mong malaman kung paano sila kumikita aside from their salary, try working in the government.) Kaya siya nagtatanong, kase daw parang nanghihinayang siya sa ginagastos nila eh pwede naman sanang ipunin na lang nila. Actually jinu-justify nya ang sarili sa pagsasabing extra lang naman yon, hindi naman nababawasan ang expected nilang savings from their salary. Saka gusto lang daw nilang i-enjoy yung pinaghirapan nila. Actually pareho naman kami ng conclusion na nasa tao yan. Depende sa tao kung paano nya gustong gamitin ang pera nya, kung paano nya gustong i-enjoy ang sarili nya. Nung daw hindi pa sila ganoong kalakas kumita, siyempre pinag-iisipan daw nila lahat ng bibilhin. Pero ngayon hindi na. Ang argument nya parang ganito, kunwari bibili ka ng relo. Bakit ka bibili ng relo? Kase gusto mong malaman kung anong oras na. Siyempre iba-iba ang tatak ng relo, iba-iba din ang presyo. Sabi nya, kung wala kang masyadong pera, pwede ka na siguro kahit doon sa tig-1 thousand lang. Pero kung merong ka daw bang milyon-milyon, at every month lalo pang nadadagdagan, bibili ka pa rin ba ng tig-1 thousand na relo lang? Natural daw bibili ka ng tig-200 thousand na relo! Kase kaya mo naman eh. Ang tanong ko naman sa kanya, kailangan ba talagang ganoon? Komo kayang-kaya mong bumili ng ganoong kamahal, bibili ka na? Natural daw! Gusto kong sabihin na hindi naman ako ganoong ka-materialistic. Sabi nya kase kung sasabihin ko daw na hindi ako magiging ganoon, baka daw kainin ko lang ang mga sinabi ko balang araw.

Sabagay, matagal ko ng alam na magkaiba talaga kami ng pag-iisip ng kakilala ko. Sabi ko kase isang beses gusto kong magkaroon ng SLR na camera, pero hindi pa ko bibili kase wala pa naman akong paggagamitan o time para mag-aral seriously ng photography. Kailangan ko lang naman yung isang pindot lang picture na. Saka sabi ko ayaw ko ng laging may bitbit, kase istorbo. Sa kanya naman daw, Kung ok tingnan, hindi na istorbo sa kanya! Parang ang nangyayari tuloy, pangporma lang nya lahat yon. Bumibili siya ng gamit, tapos saka na lang nya iisipin yung paggagamitan. Sa akin kase kabaliktaran, yung paggagamitan muna, at saka ako maghahanap ng magagamit. Parang sa damit, hindi nga daw siya bumibili ng mga designer clothes noon, pero ngayon ang gusto nya nakasulat ang tatak sa harap. Eh ako ang gusto kong nakasulat, yung mga phrases na parang nagre-reflect sa personality ko.

Ang dating sa akin, bumibili siya ng mga high-tech gadgets, designer clothes, SUVs, etc para masabing successful siya sa buhay. Na kaya nyang i-afford ang mga ganoong bagay. Pag kwentuhan nga naman, parang authority siya sa mga ganoong bagay. Bida siya. But outside of those things, how will he define himself? I want to be remembered not as a person who acquired great wealth, but rather a person who acquired great knowledge. Kung ano ako sa loob, hindi kung ano ako sa labas. Hindi sa dami ng aking pera, pero kung saan at paano ko ginastos yung pera. Kung ano ang nagawa ko sa buhay, kung nakatulong ba ko sa kapwa ko, kung wala ba akong nakaaway sa mundo, kung sino ang totoong ako.



July 18, 2008

A Matter of Life and Death

Magli-leave daw ang isang ka-opismeyt ko. Kaso hindi nya malaman kung anong reason ang sasabihin nya. Kung yung totoo bang reason na sa tingin nya ay hindi magiging reasonable sa boss nya, o yung naisip nyang dahilan na mukhang reasonable sa boss nya, yung nga lang hindi totoo. Sa madaling salita, isang kasinungalingan. At least daw, wala ng masyadong tanong-tanong pa, siguradong papayagan siya.

Parang ang hirap malagay sa ganoong posisyon diba? Kung sasabihin mo ang totoo, hindi ka papayagan. Kung magsisinungaling ka naman, sure na papayagan ka. Saan ka pa!

Mabuti na lang hindi pa ako nalalagay sa mga pagkakataon na kailangan kong mag-decide na buhay ang nakataya. Parang yung pinalabas daw isang beses sa tv. Nasa abroad yung misis, naiwan ang mister sa Pilipinas. Tapos nagkasakit ang mister. Ngayon hindi makauwi si misis dahil ilang taon na lang daw, magiging green card holder na siya. Nag-sacrifice sila para daw sa kinabukasan ng mga anak nila. So hindi umuwi yung misis hanggang mamatay na ang mister nya dito sa Pilipinas ng hindi man lang nya nadadalaw. O kaya tulad ng nangyari sa isang kilala ko. Buntis siya, kambal. Sinabihan na siya ng doctor na mag-ingat sa biyahe. Na huwag ng magdyi-jeep para hindi masyadong mahirapan. Eh kaso naman kapos sa pera, wala siyang pang-taxi. Kailangan din nya pumasok kung hindi wala silang panggastos sa panganganak. Hindi siya pwedeng magpahinga lang sa bahay. Kaya masyadong na-stress. Nakunan.

Tsk tsk tsk…

July 7, 2008

Lessons in Life (I don’t want to experience firsthand) # 001

These are the lessons I learned from the (unfortunate) experiences of other people, be it a friend, a loved one, someone I cross paths with on the way to work, some unseen faces in cyberspace, anybody, somebody, nobody.

LiL # 001

Nagmamadali akong pumasok ng opis. Hindi dahil sa kailangang-kailangan ko na, pero nagugutom na kase ako. Kaya dimiretso na ako ng canteen pagdating. Hindi na muna ako umakyat sa pwesto ko o nagyaya ng makakasabay. Ng pumipili na ko ng ulam, may biglang nagsalita sa likod ko, ”Solo flight ah!”. Yung 2 opismeyt ko, may makakasabay pa rin pala ako!

Nang kumakain na kami, nagkwento yung isa. Nag-balance inquiry daw siya sa atm kagabi bago umuwi kase may hinihintay siyang pera na dadating. At dahil hindi pa siya naggagabihan, pag labas ng resibo sa atm umalis na agad siya at pumunta sa isang fastfood para kumain. Natapos na siyang kumain ng maalala nyang parang hindi nya nakuha ang atm nya kanina pagkatapos mag-balance inquiry. Kaya binalikan nya, expecting na nasa guard lang yung card nya na isinoli ng sumunod na pumasok sa atm.

Dito na nagsimula ang isang lesson sa buhay nya na hindi ko siguro malilimutan at pipiliting huwag mangyari sa akin. Dahil pagbalik nya sa atm ng bangko, wala na ang naiwan nyang atm card. At wala din sa guard. Kaya hinanap nya ang manager para sana kausapin. Pinatingnan nya ang balance ng account nya. Nabawasan ng 10 thousand. At 1 minute lang ang pagitan ng oras mula ng mag-balance inquiry siya at na-withdraw ang pera nya. So na-conclude nila na yung kasunod sa pila nya ang nakapag-withdraw. At nagawa yon kahit hindi alam ang pin ng atm nya kase nga pag nag-balance inquiry ka, magtatanong yon pagkatapos kung “Would you like another transaction?”. At siguro nga ng makita yun ng kasunod nya, nag-try na mag-withdraw. At ng lumabas ang pera, tumakas na agad. Gusto nga nya sanang tingnan kung sino yung sumunod na nagkaroon ng transaction sa atm, kung makikita mo kase yung account number malalaman mo ang pangalan. Kaso naisip din nya na baka hindi na rin nag-transact yung sumunod sa kanya kase nakakuha na ng libreng 10 thousand. Ang masama pa, wala daw CCTV sa pwesto ng ATM. So hindi na nila ma-trace kung sino ang sinuwerteng tao na sumunod sa kanya sa atm.

Sabi nga nya, charge to experience na lang daw, a costly charge para sa “katangahan” nya (in his words). Ang iniisip na lang daw nya, sa pagmamadali daw ng nakakuha ng atm nya, nasagasaan paglabas. Sasamahan ko na lang siya sa pagdadasal doon!

August 6, 2008

Lunchout

Kung sabihin ko ba sayo na pupunta ako malapit sa opis nyo around lunch time, ibig sabihin non sabay tayong magla-lunch? Malamang kung hindi kita kilala or you are just an acquaintance, yung mga tipong isa o dalawang beses palang tayong nagkikita, siyempre hindi ang isasagot mo. Pero kung halimbawang kaibigan kita o kabarkada, hindi mo ba maiisip na “Sige, sabay na tayong mag-lunch!”? E paano na kaya kung syota kita, o asawa, hindi ba automatic sabay na tayong magla-lunch non? Tutal malapit lang sa opis mo ang pupuntahan ko, at around lunch time? Dapat kahit hindi ko sabihin explicitly parang ganoon na rin yon, diba?

Tingin ko dati ganoon nga, pero hindi pala.

June 27, 2008

Pating Proclamation # 001

Wala akong planong pumasok sa pulitika. Although I have a cousin who’s the incumbent vice-mayor in our province, and another one who’s a consistent number one in the election for councilors, I have no inclinations or whatsoever. Pero pag may nakikita kang mali sa paligid mo, parang gusto mong gumawa ng sariling batas para itama ang mga ito.

Kaya kung magiging pangulo ako ng bansa, o kahit senador lang o congressman, ito ang isa sa mga batas na gusto kong ipatupad.

Pating Proclamation # 001 Bilang ng Pasahero sa Jeep

1.1 Lahat ng waluhan (8) na jeep, gagawing pituhan (7) na lang. Pag siyaman (9), waluhan na lang. Basta kung ilan ang sinasabi nilang kasya sa jeep nila, laging bawas ng isa sa magkabilang side.

1.2 Dapat lahat ng nakasakay pwedeng sumandal ng hindi nasisikipan. Hindi na pwede ngayon na pag waluhan ang jeep, 4 ang nakasandal, 4 din ang nakausli. Dapat pwedeng sumandal lahat.

1.3 Kung malaking tao ang sumakay sa jeep, bawas ulit ng isa sa bilang ng taong pwedeng sumakay. Kung ang isang jeep na siyaman ayon sa 1.1, magiging waluhan na lang pag may sumakay na 1 malaking tao. At kung ang isang jeep na siyaman ayon sa 1.1, magiging pituhan na lang pag may sumakay na 2 malaking tao. Basta bawas lagi ng isa pag may sumakay na malaking tao.

1.3.2 Pang isang tao lang ang bayad ng isang malaking tao. Ang binabayaran naman ay ang bilang ng tao, hindi kung gaano siya kalaki o kung gaano kalaki ang nasasakop nya sa jeep.

June 18, 2008

Takbuhan Na!

May narinig akong kwento. Yung anak daw nung isang taga kanila, namatay. Parang ganito ang nangyari. Galing daw sa outing yung magbabarkada. Pauwi na sila. Tapos ihing-ihi na yung isa. So pagdating sa bahay, nagmamadaling bumaba para umihi. Sa tabi na ng garahe dyuminggel para makaraos agad. Eh kaso yung isang barkada daw, pinakialaman yung kotse. Siguro pinaandar. Ayun, nasagasaan yung nagwiwiwi, nadaganan. Nung nakita ng mga kabarkada ang nangyari, nagtakbuhan lahat! Kapitbahay pa daw ang nagdala sa ospital kaso nga hindi na rin umabot.

Naalala ko tuloy ng mga bata pa kami. Madalas kaming nakatambay sa likod-bahay namin non. Marami pa kaming puno dati. At may kanya kanya kaming pwesto doon sa puno. Kaso isang araw habang umaakyat kami, nahulog yung isang kaibigan ko. Ewan ko ba pero siguro dahil sa sobrang bata pa naman kami non at dala na rin ng takot na mapagalitan, ang nasabi ko na lang, “Takbuhan na!”. Sagot pa ng isa kong kaibigan, “Takbuhan na rin!”.

Actually, pag binabalikan namin itong istoryang ito, nagkakatawanan kaming lahat. siyempre, memories ng childhood namin yun eh. Saka nakakatawa kase wala naman talagang gaanong masamang nangyari sa kaibigan kong nahulog, maliban sa bukol nya. Hindi mo siya mako-consider na accident. Ang iniisip nga nya ng mga panahong iyon, baka daw makita yung bukol nya kase kinukutuhan daw siya ng mommy nya pag hapon. At pag nakita yon, siguradong buntal na naman ang aabutin nya. Yung buntal ang worry nya hindi yung bukol.

Ang nakakalungkot lang pag naaalala ko yung istoryang yun eh, paano kaya kung malagay ulit ako sa ganoong pangyayari na may nahulog, at hindi lang basta bukol ang inabot? O isang kaibigan ko din ang nasagasaan at ako ang kasama nya ng mga panahong iyon? Pareho pa din kaya ang reaction ko? “Takbuhan na!” ba ulit, o tatakbo ako para humingi ng tulong, o ako na mismo ang magtatakbo sa kanya sa ospital?

June 16, 2008

Indy

Independence Day diba kahapon? Gusto ko sanang isuot ang damit kong may nakasulat na “Jose is my Hero” with matching picture of our national hero. Para sana kahit sa ganoong paraan eh maipakita ko ang pagiging nationalistic ko (kesa barong ang isuot ko). Kaso Thursday pa lang. Dapat smart casual ang attire sa office namin. Kaya ngayon ko na lang isinuot. Actually bawal pa nga din talaga. Kase ang pwede lang, shirt na may collar pag Friday. Kaya ba nila ‘ko? Matigas ang ulo ko eh.

June 13, 2008

Shark Tark # 001 Puyatot

Shark Tark: mga salitang pating

#001 Puyatot - taong namamayat dahil sa pagpupuyat

June 11, 2008

Food Court

Habang kumakain ako sa food court ng isang mall sa Makati, may tumabi sa pwesto ko. May dalang tray na may pagkain. Napansin ko na medyo bawas na yung pagkain nya. Nakaka-isang subo pa lang siya, biglang tumayo. Pagbalik, may dala na siyang drinks. Pero iba ang tatak kumpara sa pagkain na dala nya sa tray. Yun pala kinuha lang nya sa kalapit na table yung drinks. Hindi kase naubos nung katatayo lang na mama yung drinks nya.

Naisip ko tuloy, ganoon na nga ba kahirap ang buhay ngayon? Sa tingin ko hindi pa din eh. Kase yung mga kumakain sa food court, nagtitira pa din ng pagkain. Kung tutuusin, makakapili pa siya ng menu kung mag-iikot pa siya ng konti. Kung matiyaga pa nga siya pati anak nya pwede nyang pasalubungan ng pagkain.

Pero nakakalungkot din. Maaaring ako, sumasapat ang kinikita ko para sa gastusin sa araw-araw. Baka nga minsan sobra pa. Pero ilan pa ang katulad ng nakatabi ko sa food court ng isang mall sa Makati, na nagugutom, na walang perang pambili ng pagkain, na hindi na pansin kung nakakahiya man ang ginagawa nya dahil kailangang maibsan ang pangangalam ng sikmura? Kahit magaling ako sa math, baka hindi ko sila mabilang lahat.

June 10, 2008

Confident but not Arrogant, Forceful but not Boastful

Those are the words I heard from my father early this morning while giving advice to my younger brother on the proper way to answer questions on a job interview. My father continued and said that 1 of the reasons he was promoted to a managerial position was his ability to talk. Too bad up to now, he doesn’t know how to talk to us as a father.

May 26, 2008

Tikman Mo

Lilipad na ako
Sabayan nyo ako
Ang sarap dito
Sa pupuntahan ko

Malamang naman ay narinig nyo na ang kanta na ito. Hindi ba parang may mali? Pag sinabi kaseng dito, dapat nandoon na siya mismo sa lugar. Kaso papunta pa lang siya. Parang dapat “Ang sarap dito sa pinuntahan ko!” or “Ang sarap doon sa pupuntahan ko!” Hehe..
Sabagay, pagdating naman sa mga kanta parang ok lang na hindi tama minsan yung grammar. Lalo na ngayong nauso yung texting, puro shortcut na ang mga salita. Ang mahalaga naman kung ano ang meaning, at kung naiintindihan ka.

But I guess it has something to do with the rhyming of words, and trying to fit this number of syllables in that number of notes. I’m a frustrated musician (future rockstar!) and I have written a lot of songs, but I try to write songs without any grammatical errors as much as possible! Kung english yung kanta, parang ok lang na may mali kase hindi naman natin yun native tongue. Pero kung tagalog, parang dapat walang mali. Ang dali-dali lang mag-rhyme sa tagalog. Ako nga, kaya ko kahit natutulog. Paano pa kaya silang mga bantog? Kailangan pa ba muna nilang mauntog? O tamaan ng kidlat at kulog? Ang mundo naman hindi titigil ang pag-inog, kahit kumain ka pa ng sandamakmak na itlog. Sige alis na ako at baka pa mabugbog!

May 18, 2008

Taas-Baba

Nanood ako ng balita sa tv. Eto ang mga headlines.

- tumaas na naman ang presyo ng gas (paano pa ko bibili ng bagong kotse)
- pati presyo ng manok tumaas (magmamahal na naman ang chickenjoy)
- tapos kulang pa ang supply ng bigas (pag nfa rice naman, kailangan pang tanggalin ang mga bato at balat ng palay)
- ang baba pa rin ng sweldo (sweldo na nga lang ang hindi nagtataas)
- gusto pa yatang magtaas ng pamasahe ang mga transport groups (maglalakad na lang ako pauwi, para exercise)
- palitan ng peso at dollar, mababa din (kawawa naman ang mga kaibigan kong makipagsapalaran sa US, parang nabawasan ng 20% ang kita nila, nasa 50+ pa kase ang palitan dati ng umalis sila)

Kung iisipin mo minsan, parang wala na talagang pag-asa dito sa Pilipinas. Parang puro problema na lang. Kung tutuusin, medyo swerte pa nga ako dahil lagpas naman sa minimum ang sweldo ko (i-taymis-payb mo pa!). Joke lang na times 5 sa minimum ang sweldo ko pero umaabot naman sa 5 digits kada buwan. Magkano na nga ba ang minimum ngayon? Kami nga, minsan medyo hindi na namin mabili yung gusto naming bilhin. Paano pa kaya yung mga minimum-wage earners? Simpleng panonood ng sine dati, napapalitan na ng pirated DVDs. Yung pagdi-dinner namin bago umuwi, ngayon tiis muna ng gutom. 1 oras lang naman nasa bahay na kami! Hindi ko na din binibilhan ng laruan ang baby ko, kase baka maging materialistic. Kaya quality time na lang ang binibigay ko.

Nakakalungkot diba? Pero ayaw ko pa din umalis dito. Alam ko sa sarili ko kung ano ang reasons ko kaya ako nananatili dito, pero minsan parang hindi ko alam kung bakit iyon ang pakiramdam ko. Siguro nga dahil kaya ko pa. Sana huwag na umabot sa puntong hindi ko na makaya. Na suko na ko. Dahil kung hindi…

May 3, 2008

Miscol

As usual, naunahan ko na naman ang cellphone ko sa paggising. Ito rin kase ang ginagamit kong alarm clock sa umaga. And as usual din, meron akong mga text messages sa favorite text mate ko. Lagi kase akong may tatlong text messages sa umaga galing sa opis. Dati, hindi ko nilalagay sa silent mode ang phone ko pag natutulog sa gabi. Ang reason ko, baka biglang may tumawag or magtext in the middle of the night na importante. Siyempre dapat importante yung call or text kung dis-oras ng gabi mo na-receive. Pero mostly ang inaasahan kong text dati yung galing sa crush ko, or galing sa MGA may crush sa akin. Pero dati yon, ng binata pa ko.

Kaso nga nung malipat ako dito sa company ko ngayon, everyday meron kaming niru-run na processing at nag o-auto-text ito kung may nag-error sa system or kung natapos na ang processing. Usually nga tatlong text ito. Pero paggising ko kaninang umaga, “4 new messages” daw. Binasa ko ang mga messages, number lang ang lumabas don sa isa.

+639274225037

“d2 ka reply or call nalang send ka load 150pesos importante sasabihen ko sayo last txt na e2,”

Unang basa pa lang, mukhang yung mga text na nanloloko para makakuha ng libreng load sayo, diba? Pero binasa ko ulit, pilit iniintindi ang laman ng message. Parang may gustong ipahiwatig sa akin na iba. Umagang-umaga, kagigising ko pa lang, pinag-iisip na agad ako. Medyo kinabahan pa nga ako dahil mukhang problema ‘to. Importante daw eh! Tinawagan ko ang ate ko. Ang tagal ng ring. Walang sumasagot. Lalong akong mag-worry. Baka may nangyaring hindi maganda sa ate ko. Tinawagan ko yung number nung nagtext. Ni hindi man lang nag-ring, nadi-disconnect na agad! Tsk tsk tsk… Masama na ‘to, sabi ko.

Ganito kase ang nangyari the night before. Pag nasa bahay ako, iniiwan ko na lang ang cellphone sa kwarto namin. Pag napapaakyat ako sa kwarto saka ko lang nalalaman kung may nag-text ba sa akin o nag-miscol. At kagabi nga, patulog na ko ng mabasa ko ang text message mula sa number ng ate ko.

“Ano credit card mo?”

Nagreply naman ako at sinabi kung ano nga ang gamit kong card. Tiningnan ko ang oras ng text nya, mga 3 hours na ang nakakalipas. Hindi ko na ine-expect na sasagot pa siya. Naisip ko baka bukas na lang ng umaga sasagot ang ate ko kung bakit nga nya tinatanong. At kinaumagahan nga, nabasa ko yung text message mula sa number na +639274225037. Kaya although mukhang kaduda-duda yung message na yon, parang nagkaroon ng ibang dating sa akin. Parang pwede kase sa inaasahan kong isasagot nya kung bakit nya tinatanong kung ano gamit kong credit card.

Dahil nga hindi ko ma-contact ang ate ko, parang ang daming pumasok sa isip ko na negative. Parang sobrang aga na bad trip naman ng nangyari pag nagkataon. Naligo na muna ako dahil baka ma-late ako sa pagpasok sa kaiisip. Ng malapit na kong makaraos sa banyo, may kumatok sa pinto. Ang ate ko raw, nasa landline phone! Medyo nawala ng konti ang pangamba ko. Pero gusto ko pa rin na marinig talaga ang boses nya para masiguro na siya nga ang nasa kabilang linya. Binilisan ko ang ginagawa ko para matapos na at sabay nagbihis at lumabas.

“Hello?”

“Bakit ka nag-miscol?”

“Nagtatanong ka ba tungkol sa credit card kagabi?”

“Meron sana akong ipapabili sayo. Gusto kase naming manood ng High School Musical sa Araneta. Nasa 1,400 yata ang isang ticket. Pero pag ginamit yung credit card mo, may 15% discount!”

Mabuti na lang hindi ako marunong magmura! Para kaseng sobrang alala na ko kanina na baka may masamang nangyari sa ate ko, wala naman palang basehan ang lahat ng iyon. Nagpa-apekto ako sa isang walang ka-kwenta-kwentang text message mula sa number na +639274225037. Nagpasalamat na din ako sa Diyos dahil parang dahil din doon, nabuo na agad ang araw ko! Ang sarap kase ng feeling ng na-relieve yung worries mo.

Ng nasa kotse na kami papasok, may binasang text ang mama ko. Parehong-pareho ng message na na-receive ko mula sa number na +639274225037. Ang pinagkaiba lang, yung dulo ng number. Parang 47 yata imbes na 37. Ngayon mas lalong sure ako na scam nga ito. At malamang, baka iisang tao lang ang gumagawa nito, kase magkalapit ang number nila. Ang pinagtataka ko lang, baka may connection yung text na na-receive ko at na-receive ng mama ko. Baka may napagkunan sila ng number namin! Pero bago pa ko mag-alala ulit, hinayaan ko na lang at baka nagkataon lang. Baka masayang na naman ang oras ko sa pagwo-worry na hindi naman pala dapat.

April 30, 2008

Plain & Simple

Nagkasagutan kami ng papa ko kanina bago pumasok. Narinig ko kase habang nagre-ready ako sa pagpasok ng opis na ang taas daw ng bill namin sa tubig. Nakita ko nga yung bill na nakadikit sa ref. Hindi nga nila binayaran yung last month kaya meron kaming notice of disconnection. Parang imposible daw kase na apat na araw pa lang mula ng cutoff eh parang pang dalawang buwan na ang nagagamit naming tubig. Sobrang imposible nga kahit sabihin nating summer ngayon at mas madalas talagang gumamit ng tubig lalo na sa paliligo. Hindi ko masyadong naintindihan kung anong test ang ginawa nila. Basta sabi ng papa ko may leak daw! Gusto na nga nya ipahukay yung mga tubo ng tubig para mapalitan. Eh ako ang una kong naging reaction baka sira yung metro. Kaya nasabi ko na bakit hindi muna ipatingin at baka nga sira lang ang metro. Kesa naman na maghukay ka at palitan ang lahat ng tubo, pagkatapos wala naman pala doon ang problema. Sayang na ang pagod, sayang pa sa oras, tsaka sa pera. Sagot naman ng papa ko, "Tinest nga namin. Pinatay ang main line, hindi tumakbo ang metro. Binuksan ang main line, tumakbo ang metro." Or some words to that effect. Tapos bigla pang dinugtungan ng "Plain & simple!" na may halong inis, galit, at sarcasm.

Ako naman tuloy ang nainis ng marinig ko yung linyang yon. Sabi ko engineer ako ah. At laging nilang pinagmamalaki sa ibang tao na matatalino ang mga anak nila (kasama ako doon). Pero bakit parang pakiramadam ko napakatanga ko ng marinig ko yung "plain & simple" na sinabi nya. Para bang gusto nyang ipamukha sa akin na kasimple-simpleng bagay, hindi ko maintindihan. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nakasagot-sagot ako sa kanya ng hindi maayos. After a while, pinilit ko na lang na huwag ng magsalita at kalimutan na lang ang nangyari.

Naisip ko tuloy, talaga bang mas magaling sa amin ang papa ko? Lagi kase nyang sinasabi na teacher lang tinapos nya pero naging manager siya. Tapos kami puro engineer, kaya dapat malagpasan daw namin ang narating nya. Pressure siguro yon kahit kaninong anak, pero sa akin ok lang. Alam ko naman ang kaya kong gawin. At kung ano ang dapat kong gawin para maging masaya sa buhay. Minsan kase parang sobrang simple lang ang tingin ng papa ko sa mga bagay. Its either black or white, day or night. Hot or cold. Plain & simple.

Nung nag-aaral pa lang ako para maging isang electrical engineer, mas naintindihan ko siguro ang tungkol sa mga kurye-kuryente. Alam ko medyo complicated yun, lalo na pag iko-compute mo yung power kung ang given lang ay voltage at current. Pero para sa papa ko, basta pag nahawakan mo yung live wire, siguradong makukuryente ka. Minsan nga ng ma-confine ako sa hospital dahil sa viral infection, mas magaling pa ang papa ko sa doctor! Sabi kase ng doctor huwag daw muna ko uminom ng kahit anong gamot. Sabi naman ng papa ko paglabas ng doctor ng kwarto, anong klaseng doctor daw yon. Walang ginawa. Kaya nga daw ako dinala sa hospital para pagalingin eh ayaw naman akong painumin ng gamot. Kaya sabi nya basta inumin mo itong gamot na iniinom mo. Hindi nya alam kaya pala sabi ng doctor na huwag muna uminom ng gamot eh para maobserbahan nila yung sakit ko. Baka naman nga daw mali yung iniinom kong gamot at baka hindi lang basta lagnat ang sakit ko.

Ano nga ba ang tamang pananaw sa buhay? Yung chess ang favorite board game mo eh mas madaling laruin ang dama? Yung parang nagtataxi ka pwede namang lakarin? Yung gumagamit ka pa ng calculator pwede naman magbilang sa kamay? Yung nagte-text ka pero katabi mo lang ang kausap mo? Yung nagbabasa ka ng news, sa internet nga lang? Yung marunong kang magdrive, sa playstation? Yung marami kang alam, pero parang mas lalong nagiging komplikado ang buhay mo? O yung "Plain & Simple"?

April 14, 2008

Free Taste

Pagkauwi namin mula Antipolo, may nakita kong nakakabit sa ref namin sa bahay. Invitation para sa binyag. Hindi ko exactly alam kung kanino galing yon, pero based sa last name, malamang na sa anak ng kapatid ng barkada ko yung baby na bininyagan. Nagkataon naman na its around 4 PM, time for merienda kaya naisipan kong dumalaw kahit lunch time pa yung binyagan. Baka kase sabihin sikat na ko, hindi na ko namamansin. Saka madalas naman na ang handaan sa kanila parang fiesta. Hanggang gabi meron kang aabutan. So niyaya ko ang asawa ko na pumunta. Isasama na rin namin ang baby para makagala naman kahit malapit lang. Saka assurance yon para hindi kami magtagal doon kung sakali. Nagdala na rin ako ng 100 pesos para kung sakaling wala ng pagkain sa binyagan, meron kaming pambili ng merienda.

At tulad nga ng hinala ko, marami pa ring bisita. Nandoon pa rin ang iba pa namin barkada. Nasabi ko sa sarili ko, bwenas. Makaka-free merienda kami ng walang bayad. May kasama pang softdrinks at dessert! Atfer about 30 minutes, nang tapos na kaming kumain (burp!), as if on cue, nag-pupu ang baby namin. Eh wala kaming dalang gamit. Kaya napilitan agad kaming magpaalam na kailangan na naming umuwi dahil sa baby. Ang hindi nila alam, talagang plano naming mag-eat and run.

Pag-uwi namin ng bahay, dimiretso na ko ng kwarto para magbihis. Isa-isa kong tinanggal ang mga suot kong relo, kwintas, bracelet, singsing. Tapos yung laman naman ng bulsa ng pants ko. Panyo, suklay, cellphone, coin purse. Pero parang may nawawala. Hindi naman yung wallet ko kase talagang di ko na dinala. Kumuha na nga lang ako ng 100 pesos kanina diba? Oo nga, yung 100 pesos nawawala! Bigla akong bumaba para balikan yung dinaanan ko kanina, baka nahulog lang. Nakailang balik na din ako at dukot sa bulsa, baka sakaling nandoon lang pala. Pero wala talaga. Biglang sulpot naman ng asawa ko, dala ang baby na napalitan na ng diaper.
"Nawawala ang dala kong 100 pesos!"
"Ha! Sayo ba yon? May nakita kase ako kanina don sa binyagan. Akala ko sa katabi mo kaya ibinigay ko. Hindi naman nya sinabing hindi sa kanya yung pera."

April 13, 2008

Larger Than Life

Sa buhay mo, meron ka bang naging idol? Kunwari yung mga artista? O kaya atlete? O musician? O yung kapitbahay mong magaling sa jolens?

Nakita ko kase yung picture namin ni Bobby Balingit sa cellphone ko. Ang date exactly a year ago. If you happened to be a teenager full of angst in the 90’s, you might remember him as the frontman of the underground band WUDS (Nakalimutan ang Diyos, Bayan-Bayanan), which along with bands like Philippine Violators (Sikat na si Pedro) and the more popular The Youth (Multong Bakla) got plenty of airplay via the old LA105.9. Yung mga bandang sumikat noon, ibang-iba sa mga bandang sumisikat ngayon. Yung ngayon kase puro “pogi” rock eh. Parang wala masyadong social relevance ang mga tema ng kanta. Puro love songs, kundi man revivals. Kaya mga kabataan ngayon, parating in love. Kaya tumataas ang kaso ng teenage and unwanted pregnancies. Ewan ko lang din pero ngayon ko lang naisip na baka isa ngang reason ang mga love songs sa problemang binanggit ko. Eh nung 90’s, puro social commentary ang karamihan ng kanta ng mga bandang sumikat. Kaya ko rin siguro nagustuhan ang WUDS noon, kase may lalim ang mga sinasabi nila. Parang may ipinaglalaban.

Pero mula nung 90’s hanggang last year nga ng makita ko si Bobby, hindi ko napanood ng live ang WUDS. Puro sa cassette lang (meron akong 4 na album nila), ang lately sa pirated cds. Tinanong ko naman sa kanya kung ok lang bumili ng pirated na cd nila, parang ok lang naman sa kanya kase talagang wala namang mabibilhan ng original cds nila. Kaya nung na-timing-an ko siya minsan sa isang art gallery sa megamall, hindi na ko nag-atubili na lumapit at makipag-usap. I was expecting a mind-blowing conversation. A once-in-a-lifetime experience. An “I’m not worthy” moment. Alas, it was not to be. He seemed like a very simple man. You would not know that he’s an artist by the way he looks. He’s just a plain regular guy. Just like me! I always suspect that I’m capable of greater things in life. Well maybe I really am! Siguro naging ka-level ko na siya kaya hindi ako masyadong na-overwhelmed sa pagkikita namin.

This is only the beginning. I’m destined for greatness.

Boys Talk # 001

Premise : Once or twice a week, pagpasok mo sa opis, nadadatnan mo sa table mo ang isang mysterious note. Nung una na-excite ka, gusto mong malaman kung kanino galing ang note. Then later on, nadiscover mo na rin kung sino. China-chat-chat ka na pagkatapos. Pag minsan tumatawag pa sa phone.

Scenario #1a : Ayaw mo doon sa girl.
Scenario #1b : Gusto mo yung girl.
Scenario #1c : “Gusto” mo yung girl, in a “deeper” kind of way.

Sa mga different scenarios na binanggit ko, mag-iiba-iba ba ang pakikitungo mo doon sa girl? Sa pag-uusap kase namin ng 2 pang kaibigan ko, oo. Basta ang conclusion namin sa girl, dalawa lang din. Kase kung ganoong naging parang aggressive yung girl sa pag-pursue sayo, its either ganoon talaga siya, na parang easy to get, na wild (at least, yun ang 1st impression ko) - conclusion #1. Or it just so happens that she really really likes you and in reality is a great decent girl you can bring home to your parents (argument ng isa kong kaibigan) - conclusion #2.

In my point of view, kung nasa Scenario #1a ako, malamang naiirita na ko sa girl. Although hindi ko din siguro kayang i-reject ng ganoon na lang yung girl, para ngang nakakatakot na din yung actions nung girl. Parang stalker na ang dating, or yung sa Fatal Attraction. Pareho kami ng pananaw dito nung friend #1 ko.

Kung Scenario #1b naman, parang ok lang pero medyo mag-iiba ng konti ang tingin ko sa girl. Parang bababa. Or worst case, ayaw ko na. Alam mo yun? Parang nung una kase kung talagang gusto mo yung girl, sabi nga yung friend #1 ko, parang inilalagay mo na sa pedestal. Tapos nung naging aggressive sayo, parang mapapa-step back ka. Sandali lang muna, mapapaisip ka bigla. Ganoon ba talaga siya? Dito naman pumasok yung conclusion #2 ng friend #2 ko. Sabi kase nya, parang bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na makilala pa siya ng lubusan. Malay mo nga naman daw, mabait naman pala talaga siya, nagkataon lang na tinamaan lang siya sayo, kase ang pogi mo, SOBRA. At least daw kung totoong good girl naman siya, eh di ok na kayo. Kung hindi naman good yung girl, ngayon alam mo na.

At kung nasa scenario #1c naman ako, mas lalong ok! Ito pa yung naging isang argument namin kung bakit parang bababa ang tingin namin sa girl. Bukod sa parang easy-to-get ang dating, ino-open din nya ang sarili nya sa mga (sexual) advances. Sa sarili ko, hindi naman ako mapupunta dito sa scenario #1c kase mabait ako. Pero kung sa ibang lalake, malamang mag-te-take advantage sa girl yun. At kung conclusion #1 yung girl, siguradong jackpot yung lalake. Pero kung conclusion #2 naman yung girl, parang na mis-interpret yung actions nya. Kase nga kung good girl siya, she shouldn’t have acted that way. Meron namang ibang ways para makipagkaibigan ang isang babae sa isang lalake, or ibang ways para ipadama ng isang babae ang kanyang paghanga sa isang lalake, without resorting to some form of stalking. In either case, I believe that the man should do the pursuing rather than the girl. Ang punto naman ng friend #2 ko, nasanay lang daw tayo sa ganoon. Iba na daw ang panahon ngayon. Well, I agree na iba na ang panahon ngayon. Pero i still prefer the way of life of old.

Medyo mahaba at insightful ang naging usapan naming ito. Nagkaroon pa ng comparisons to Brad Pitt, and to other celebrities. So paano nga kung naging celebrity ako with the same scenarios (scenario #2a, b, c)? Mag-iiba ba ulit ang reactions ko sa bawat scenario? Eh kung nabaligtad naman (scenario #3a, b, c), yung girl naman ang celebrity at ako ay isang hamak na gwapo, charming, matalino, at supahpapalicious ordinary guy? Eh di lalong nagulo ang usapan natin, diba?

Kaya ito ang final realization namin dito sa usapan na ito, moral of the story kumbaga. Hindi mo magiging problema ito kung hindi ka pogi!!!

Sa mga lalaking makakabasa nito, may ganito ka bang problema?

At sa mga babae naman, gagawin mo ba yung ginawa ng girl sa premise, mapa-conclusion #1 kang babae or conclusion #2? Please explain. (Parang pang beauty contests na question ang dating!)

April 4, 2008

My Own Personal Jungle

Kagabi habang naghihilamos ako gamit ang bago kong bili na facial wash, biglang sumulpot ang 5-year-old kong pamangkin na nangitim dahil sa sunburn. Biglang nagtanong sa akin.
"Tito, bakit mahaba ang buhok mo?"
Hindi ko naman masabi na kase mas gwapo ako pag mahaba ang buhok, dahil malamang may follow-up question yon na bakit ka gwapo. Alam mo naman ang mga bata ngayon, talagang matanong. Hindi nila basta basta kayang tanggapin ang ilang katotohanan sa mundo. Dapat merong explanation. Kaya sinabi ko na lang.
"Eh gusto ko eh."
"Diba girl lang ang mahaba ang buhok?"
"Ganon ba yon?"
"Oo. Pag boy maikli ang buhok. Pag girl mahaba."
Bago pa ako nakasagot, nakatalikod na siya papunta sa kwarto ng mga mommy at daddy nya.

Bakit nga ba mahaba ang buhok ko? Matagal ko ng nai-explain ‘to sa sarili ko eh. Kase gusto kong basagin ang stereotype ng isang taong mahaba ang buhok, payat, may hikaw sa kaliwang tenga, nagsusuot ng black t-shirt, at nakikinig ng musikang bato. Reaksyon kase ng karamihan pag may nasasalubong na ganoong tao, umiiwas. Akala nila, wala kang gagawing mabuti, na parang masama kang tao. Yun ang gusto kong mangyari. Na imulat ang isipan ng mga tao, na huwag tumingin sa panlabas na kaanyuan lamang. Na hindi makikita sa suot mo ang asal mo. Na wala sa laki ng katawan ang kaya mong gawin. Na wala sa hati ng buhok ang kayang isipin ng utak mo. Na minsan, wala sa pinakikinggan mong musika ang nararamdaman ng puso mo. Na wala sa pisikal mong anyo ang tunay mong pagkatao. Dahil dito, minsan isang rebelde ang tingin ko sa sarili ko. Kahit kailan naman parang hindi talaga ako sumusunod sa ginagawa ng karamihan. Ang sinusunod ko kung ano ang sa tingin kong tama, kung anong makabubuti sa lahat ng tao. Hindi lang para sa akin.

Ito lang ang armas na kailangan ko sa laban.

March 25, 2008

Coming Home

And this is the sad part about summer vacation. Not because its the end of the long break from work, back to normal living, but somehow I feel an attachment to the place. Some part of me just wants to stay, doesn’t want to go home. ‘Coz somehow this feels like home. Even for just 5 days and 4 nights.

March 24, 2008

Bonding

1 great thing happened today. Although I didn’t plan it, it’s long overdue. 3 brothers talking about life again. Actually it’s just about my older brother. We kinda had a spat a few months back and had this "cold war" since then. It goes a little something like this.

Perfect for TV!
—————
Nakakatawa minsan ang buhay.

Nag-away kami ng kuya ko kagabi. Alam mo kung tungkol saan? Sa boxing. Buti na lang hindi nauwi sa pakyawan ang pagtatalo namin. Sabi nya automatic 10-8 daw pag na-knockdown ang isang boksingero. Sabi ko naman hindi yun automatic. Sabi naman nya, mag-research ka muna bago ka manggalaiti dyan. Tumahimik na lang ako dahil wala na akong magandang maisasagot pag ganoon na ang tema ng pagtatalo namin. Ano nga ba ang kinalaman ng panggagalaiti ko sa rule sa boxing?

Tapos kanina nga, nag-research ako sa internet kung meron nga ba o walang rule na ganoon. Saka ko naisip, paano nga knug tama pala ako na walang ganoong rule? Paano ko mapapatunayan yon sa kanya? Meron bang site na maglalagay na “walang automatic 10-8 ang score pag na-knockdown ang isang boksingero”? sa tingin ko wala. Kaya medyo nahirapan ako sa paghahanap. Dapat pala naisip ko kaagad na siya ang magbigay sa akin ng pruweba na meron ngang ganoong rule.

Meron naman akong nakitang ibang nagssabi sa mga forums na sumasang-ayon sa akin. Pero meron din naman na pareho nya ang nasa isip. Kaya hindi ko na tinuly ang pag-i-email sa kanya ng mga links ng mga sites na nabasa ko. Siya na ang bahalang magpatunay kung sino ang tama sa amin. Kahit pa tumagal na naman ng ilang linggo na hindi kami mag-usap.

Medyo late na ko nakalabas ng opisina, medyo gutom na ko kaya naisipan kong kumain na lang muna sa labas. Ang tagal ko din sigurong nagpaikot-ikot sa paghahanap ng makakainan, hanggang magpasya akong mag-chicken na lang. Ng patapos na akong magdinner, naalala ko yung bagong bili ko na dvd. Hmmm… kailangan ko palang dumaan muna sa grocery. Pangit manood ng walang nangunguya. As usual pag naggo-grocery ako, dapat may fruits, drinks at sitsirya. May nakita akong bagong sitsirya. Mukhang masarap. Binasa ko ang nakasulat sa likod, yung nutritional facts. Meron namang vitamins. Bakit kaya junk food ang tawag dito? Tapos meron pang ibang nakasulat, yung parang selling point nila. “Perfect for having a good time. Perfect for tv. Perfect for beer!”. Ha, tamang tama! Pampalamig ng ulo! Kaya bumili na din ako ng beer-in-can, yung 6-pack.

Medyo madami-dami din yung ginrocery ko. Mabigat din. Kaya dumiretso na din ako sa pila papunta sa amin. Yung pila ng fx na dumadaan sa tapat ng bahay namin. Kahit mas mahal kesa doon sa isang pila na sinasakyan namin, ok lang para wala ng hirap. Hindi na ko maglalakad. Ngunit dito na ko sinimulang paglaruan ng tadhana. Hulaan nyo kung sino ang nakita ko sa pila?? Tsk tsk tsk… hindi na ko nakaatras. Ang bigat ng dala ko eh. Buti na lang medyo ilang tao din ang pagitan namin. Pero siguradong isang fx lang ang sasakyan namin. Pag magkakatabi kami sa fx, hindi muna ko sasakay. Kunwari meron pa kong hinihintay. Kahit wala.

Lagpas 10 minuto bago dumating ang fx. Pagod na ako. Gutom (ulit). Uhaw. Gusto ko ng tikman ang binili kong sitsirya. Gusto ko ng inumin yung beer na binili ko. Gusto ko ng manood ng dvd. Kaya napilitan na din akong sumakay. Buti na lang din at hindi kami magkatabi. Sa likod siya napapwesto. Ako sa harapan. Mahirap yatang makipag-plastic-an.

Pagdating sa terminal ng fx, dapat iikot pa sa tapat ng bahay namin, tapos balik sa terminal, tapos balik ulit sa pinaggalingan naming pila kanina. Kaso ang galing ng driver namin, babalik pa daw siya sa pila at hindi na iikot pa sa bahay namin kahit iyon talaga ang ruta nila. Kung nakita mo ang mukha nung driver, talagang maaawa ka na parang kailangang-kailangan nyang makabalik agad. Na parang nakasalalay ang buhay nya doon. Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Ilang kanto din ang lalakarin ko hanggang sa amin. Tapos ang bigat bigat pa ng dala ko. Ng biglang may magsalita sa likuran ko. “Mag-tricycle na tayo!”. Siyempre ano pa ba ang gagawin ko? Pagod na din ako, gusto ko ng makauwi.

Pagdating ng bahay, nilagay ko yung beer na binili ko sa freezer. Tapos diretso akyat na ko sa kwarto ko at nagbihis ng mas komportableng damit. Nagpahinga ng konti. Paglabas ko ng kwarto, dala-dala ang biniling sitsirya, inabutan ko ang kuya ko na nanunuod ng tv. Boxing yata ang palabas. Replay ng laban kahapon. Punta ko sa ref. Kinuha ang isang beer na pinalalamig ko. Mukhang pwede na. kumuha pa ko ng isa. “Kuya!”. Paglingon nya, binato ko sa kanya ang isa sa mga beer na kinuha ko. “Bagay yan dito sa sitsirya na binili ko!”

——————————————————–
This short story is from a collection I’m working on entitled "San Mig Lite Files". Everything in the story is somehow real except for the last paragraph. My brother doesn’t drink.

March 21, 2008

Checklist

Checklist - mga bagay na pinrepare ko (pero naiwan) para sa pag-uwi namin sa probinsya ngayong Holy Week

1st casualty: breadtalk.
Mabuti na lang at food, dahil meron pa namang iba. Mas bad trip siguro kung yung bola ang naiwan. Meron ngang net, wala namang isu-shoot sa net. Ang masama lang, consumable yon. Baka expired na pag-uwi namin. Masarap pa naman yon. Saka medyo mahal ng konti compared sa tinapay na nabibili sa ordinaryong bakery.

2nd: guitar pick.
Di ko makita. Pero alam ko ibinaba ko. Tsk tsk tsk…
Ok lang, di ko din naman dinala yung gitara ko.

3rd: meron pa palang isa. Actually 2. Dalawang can of century tuna.

Lessons learned #1: kahit anong preparation mo sa isang bagay, meron at meron kang malilimutan. Parang sa buhay, meron at meron magiging problema. Kailangan lang maging flexible at resourceful ka at matutong gamitin kung ano lang ang meron ka.

Lessons learned #2: pwede rin dito yung "Don’t cry over spilt milk."

Lessons learned #3: baka kailangan ko ng makinig kay kuya kim, humihina na yata ang memory ko

March 20, 2008

License

Sabi kanina ng papa ko, ihanda ko daw yung birth certificate ko. Kase daw naunahan na ko ng bunso naming kapatid na matutong mag-drive. Meron daw siyang kilala sa LTO (binigay nya 2 pangalan pero parehong hindi ko natandaan), ibibigay mo lang yung pera mo tapos kukunin mo na lang sa bahay nila yung lisensya. Sabi ko pag naghintay ka naman sandali lang din naman yon. Sagot naman ng papa ko, eh iyon after a month nga pwede mo na makuha yung license. Wala ng exam-exam. Kaso hindi naman license ang gusto ko eh. Ibig kong sabihin hindi yung physical license card ang kailangan ko kundi kung ano ang ibig sabihin ng meron kang lisensya. Sa madaling salita, ang gusto ko matutong mag-drive, hindi makakuha ng license para lang masabing may license. Anong gagawin ko sa license ko kung hindi naman ako marunong, na kapag nagda-drive na ko hindi ko alam ang gagawin, na hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga makikita kong mga signs sa mga kalsada, na laging akong kakaba-kaba kase hindi ako confident sa pagmamaneho?

Iyon ang mahirap madalas sa mga pilipino. Gusto natin laging instant. Yung hindi ka na mahihirapan. Ako kahit kelan parang ayaw kong humingi ng tulong pagdating sa mga ganoong bagay, tulad ng pag-a-apply ng license. Kase meron namang tama at legal na proseso para doon. Parang ganon din sa trabaho. Ayaw kong magpapasok sa mga kakilala ng papa ko ng naghahanap pa lang ako ng trabaho. Kase nga sabi sila ng sabi na matatalino kami, magagaling kami kumpara sa iba. Kung ganoon naman pala eh di kayang-kaya ko sigurong makahanap ng trabaho ng walang ganoong tulong. May tiwala naman ako sa kakayahan ko eh. At least pag naging successful ako, dahil lang sa sarili ko. Wala akong utang na loob sa ibang tao at walang magsasabi sa akin na kaya ako naging successful dahil may kakilala, may koneksyon. Reklamo tayo ng reklamo pag may nabalitaan tayo na puro kamag-anak ng mayor, congressman, senator, vice-president, o president ang nakaupo sa mga ahensya ng pamahalaan. Pero ganoon din naman ang ginagawa ng karamihan sa atin.

Tinanong nga ako minsan ng isang opismeyt kung sakali daw nagta-trabaho ako sa isang kompanya na meron talagang suhulan, bayaran, yung alam mo na, kung tatanggap daw ba ako ng suhol lalo na kung kailangan mo ng pera at malaking pera ang involved. Sabi ko wala sa nature ko eh. Pero hindi ko din siguro alam pag nandoon na ko sa ganoong sitwasyon. Mabuti na lang.

March 18, 2008

05 06 15 17 21 38

Pag may nakukuhang Libre yung isa kong ka-opismeyt, laging nyang inaabot sa akin pag tapos na siya. Wala naman akong intensyong basahin kase malamang puro si Pacman lang naman ang laman ng balita. Hindi sa ayaw ko kay Pacquiao, pero kanina pa ko nagbabasa ng balita sa internet. Kahit “office hours”. Pero binuklat ko pa din yung Libre. At sa page 2, nakita ko yung resulta ng lotto. 6/49 05 06 15 17 21 38 P184,722,336.00. Bigla tuloy napunta sa lotto ang usapan namin. Nagkatanungan kung ano nga kaya ang gagawin namin kung sakaling manalo kami. Sabi nung isang nagbabalak ng mag-work abroad, magkakaroon na daw siya ng pang-pocket money. Sabi ko nga kung manalo ka hindi ka na aalis dito. Sabi naman ng isa, ako bibili na lang ng bansa. Hehe, island pwede pa. Tinanong ako, kung pagbasa ko daw nakita kong nanalo ako, uuwi ba agad ako o kaya magsisigaw? Eh ako dati ko pa sinasabi na hindi ko sasabihin kahit kanino, pwera siguro sa asawa ko. At least iwas sa instant kamag-anak. Sabi nung nagtanong sa akin, siya daw uuwi agad. Habang wala pa sa bahay ang asawa nya, tapos mag-iiwan na lang siya ng mga 2 bundles ng pera na may kasamang note na “Wag mo na kong mahapin. Mabuhay na lang kayo ng tahimik ng anak natin. Padalhan mo na lang ako ng pictures!”. Siyempre biro lang yon. Pero parang mapapaisip ka tuloy kung sakaling mangyari nga na palarin kang manalo sa lotto. Hindi naman kase ako madalas tumaya sa lotto, pag umaabot na lang sa 100M ang premyo. Mukhang pagmumulan pa talaga ‘to ng problema. Kahit mabait ka mapapaisip ka ng hindi maganda. Talagang (the love of) money is the root of all evils. Mabuti na lang isang number lang ang tinamaan ko. Pero kung sakali mang palarin akong manalo ng jackpot, yayayain ko na lang ang asawa ko na mag-dinner. Kahit saan nya gusto, sagot ko. Pag tinanong ako kung bakit, sasabihin ko na lang na tumama ako ng 5 numbers sa lotto!

March 17, 2008