Kahapon ng alas-4, hindi ko malaman ang gagawin ko sa extrang 2 hours na wala pa akong gagawin(?). Iniisip kong mag-Rockband pampatanggal ng stress, o kaya ituloy ang panonood ng season 5 ng Lost (episode 10 na ko) kase may season 6 na, gusto ko din sanang mag-recording ng mga 2 or 3 songs na na-compose ko at i-convert sa mp3, o kaya mag-jogging para practice run sa sasalihan ko sa Sunday na Earth Run (yung sa the Fort, hindi sa MOA), pwede ko rin tingnan kung naayos na yung swimming pool sa subdivision namin para naman mabawasan ang init ng panahon. Humiga muna ako sa sofa namin at pumikit habang nagde-decide kung ano nga ba ang gagawin ko. Pagdilat ko ulit, halos alas-6 na. Nakatulog pala ako.
Tuesday, Apr 13, 2010
Thursday, 28 April 2011
Martesanto
Akala ko wala ng trapik ngayong mahal na araw. Ine-expect ko kase na marami ng hindi papasok, marami ng naka-leave sa mga opisina at wala na ring pasok sa eskwela. Tumatakbo na nga ng 135 pa-southbound ang sasakyan ko sa C5 ng biglang magmabagal ang SUV sa harap ko. Mabuti na lang magaling ako at natapakan ko agad ang preno! Medyo nag-skid nga pero ok naman, hindi naman ako kinabahan (ngayon medyo sigurado na kong hindi break fluid yung tumutulo sa ilalim ng kotse ko). Minsan ko lang kase magamit ang break ng kotse tulad kahapon. Hindi naman ako kaskaserong magmaneho. Salamat na lang at walang nangyari sa akin. Salamat na lang din at magaling talaga ako.
Mga 10 minutes din siguro na usad pagong kami ng biglang makita ko ang dahilan sa bandang kaliwa. Kaya naman pala. May isang kotse na nakatagilid sa daan. Sa northbound!!! Kaya paglagpas sa pinangyarihan ng aksidente, parang walang nangyari na muling nagpatuloy ang ikot ng mundo, na muling umikot ang mga kamay ng relo, na muling nag-fast-forward ang buhay, na biglang bumilis ang daloy ng trapiko.
Wednesday, Mar 31, 2010

In Can, Can U?
Kumain kami nung isang araw sa isang fast food. Tinanong ako kung ano daw ang drinks namin. Sumagot ako, ano ba ang drinks nyo? Softdrinks-in-can lang daw. Sabi ko sige isa. Tapos tinanong ako, i-large natin ang drinks?
Friday, Feb 26, 2010
Friday, Feb 26, 2010
V Day
V Day
Nag-date ba kayo kahapon? Kasabay ng lahat ng mga taong nakapula? May narinig ako sa radyo na nag-e-explain kung bakit pula ang kulay ng Valentines Day. Dahil daw sa namumula sa galit ang mukha ng babae pag nakalimutan ng lalaki ang Valentines, tapos yung lalaki naman namumula sa pagkapahiya.
Paano kaya kung ganito ang nangyari sayo. Di ba nag-date kayo ng GF mo. Siyempre kakain kayo, at nagdecide na sa food court na lang kumain kase madalas puno ang mga restaurants pag ganitong panahon. At nagkataon magkaiba kayo ng nagustuhan na kainin kaya nagkanya-kanya muna kayo ng bili. Nag-set na lang kayo ng pwesto kung saan kayo uupo. Ikaw naman pagkabili mo, kumuha ka ng dalawang pair ng kutsara at tinidor. Siyempre isa para sayo, isa para sa GF mo. Ang sweet, diba? Tapos pagdating ng GF mo, may dala ring kutsara at tinidor! Ang masama nga lang, isang pair lang ang dala nya.
Mamumula ka rin kaya sa galit pag ganon?
Feb. 15, 2010

Nakuryente
Q: Kelan pa naging mas magaling ang tatay sa anak nyang electrical engineer pagdating sa kuryente?
Thursday, Nov. 19, 2009
Thursday, Nov. 19, 2009
Ngayon Ang Simula
Tinanong ako ng papa ko kung gusto ko daw lumipat ng registration para sa botohan next year. Nasa probinsiya daw kase ang “laban”. Naisip ko eto na naman tayo, sasabihin ko na naman na wala akong time pumunta sa probinsiya para lang magpa-rehistro at umuwi din agad pagkatapos. Ilang botohan na kong sinasabihan ng ganito, at ilang beses ko na din naibigay ang alibi ko. Pero mukhang hindi uubra ang palusot ko ngayon. Sabi kase sa akin, mag-download daw ako ng forms sa internet, fill-up-an ko, at dadalhin nila this weekend dahil uuwi daw sila doon.
Tsk tsk tsk… Malamang na magtatalo na naman kami bago dumating ang Sabado! Pero ewan ko ba, talaga lang may mga bagay na hinding-hindi mo mababago sa pag-iisip ko. Tulad ng hindi ko pagsunod sa uso; sa pakikipagdiskusyon sa kuya ko hanggang mauwi sa cold war na tumatagal ng buwan; sa hindi pagkain ng chocolate na may mani pero mani na may chocolate oo; sa pagpi-feeling gitarista o feeling-writer ko; sa hindi pagtatrabaho sa abroad kahit marami ang nagsasabing i-try ko, dahil sigurado ako sa sarili ko na yayaman ako kahit papaano kahit dito lang ako sa Pilipinas magtrabaho; tulad ng kagustuhan kong magpahaba ng buhok dahil pakiramdam ko mas mukhang bata ako, bukod pa sa mas lalo akong nagiging gwapo; ng pagiging paborito kong banda ang WUDS kahit ni isang beses hindi ko pa sila naririnig tumugtog ng live; sa pagbansag sa sarili ko na Pating kahit hindi ako marunong lumangoy; at eto nga, sa pag-iinsist na bumoto kung saan kami nakatira ngayon at hindi sa probinsiya. Kasama lahat ang mga katangiang ito na bumubuo sa sarili ko. At kung magpapaimpluwensiya ako sa ibang tao, sino na ko?
Masyadong malaking bagay kase ang gustong nyang ipagawa sa akin. Hindi na ito kasama sa responsibilidad ng anak sa ama, na kailangan sundin ng anak ang lahat ng sabihin ng kanyang magulang. Hindi na ako bata. Dati, hindi ko din masyadong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay tungkol sa pagboto. Pero isa ito sa basic rights ng isang tao. Kung ipamimigay mo lang, sayang. Kokonti na nga lang ang mga karapatan natin na hindi natatapakan. Parang ipinagbili ko na din ang boto ko kung ganon. Ang kaibahan nga lang, nabili ang boto ko ng hindi ako binayaran. Paano pa ako makakapagreklamo kapag may nakita akong hindi magandang nangyayari sa lugar namin, eh hindi naman ako dito bumoto? Kasalanan ko pa ngayon kung papayag ako sa ipinagagawa sa akin. Kasalanan nga, sa sarili ko.
Kaya simula ngayon…
Wednesday, Oct 28, 2009

Extra Rice
Kaninang lunch, mag-isa lang ako kumain sa isang fast-food restaurant. As usual, chicken with gravy and bibilhin ko sana. Ang kaso, wala daw delivery ng chicken. Siguro the whole week wala because of typhoon Ondoy. Kaya nag settle na lang ako sa next best thing, chicken steak. Burger na nga lang sana pero mas gusto kong rice meal ang kainin ng lunch, tapos yung burger for merienda. Laging 2 rice ako pag kumakain ng chicken with gravy but this time since chicken steak ang kakainin, one rice lang ang in-order ko. Hindi ko kase sure kung masasarapan ako o baka hindi kumasya sa 2 rice ang ulam ko.
Habang kumakain na ko, napansin kong medyo malaki naman pala yung chicken steak at mas mauunang maubos ang rice ko. Eh magpa-pack pa naman kami ng mga relief goods sa opis after lunch. Naisip ko kailangan kong mag-carbo loading. Ng mapalapit sa akin ang isang service crew, tinanong ko kung magkano ang extra rice at kung pwedeng magpabili. Pag may kasama akong kumakain, lumalapit talaga ako sa counter para bumili kung may additional kaming gustong kainin. Pero kapag mag-isa lang ako tulad ngayon, mas gusto kong magpabili sa mga crew. Baka kase pag umalis ako sa pwesto ko, akalain nila na wala ng kumakain at ligpitin ang pagkain ko. Ang sagot sa akin ng crew, hindi daw nya alam kung magkano. Saka bumili na lang daw ako sa counter kase nag-iisa lang din siyang naka-shift ngayon. Napansin ko nga na kanina pa rin siya pabalik-balik, kung ano-ano ang nililigpit at nililinis. Kaya hindi naman ako nainis o nagalit sa sagot nya. Wala naman din kase gaano nakapila at malapit lang sa counter ang pwesto ko.
Kaya pagkatapos ko isubo ang huling subo ng rice, uminom lang ako ng isang lagok ng soft drink at tumayo na para bumili ng extra rice. 15 pesos daw sabi ng nakangiting cashier, kaya kumuha ako ng 3 5 peso-coin sa coin purse ko sabay balik na sa upuan ko na hindi ko na kinuha pa ang resibo. Pag tingin ko sa upuan ko, nililigpit na ng service crew ang pagkain ko.
Wednesday, Sep 30, 2009

Subscribe to:
Posts (Atom)