Thursday, 28 April 2011

A Matter of Life and Death

Magli-leave daw ang isang ka-opismeyt ko. Kaso hindi nya malaman kung anong reason ang sasabihin nya. Kung yung totoo bang reason na sa tingin nya ay hindi magiging reasonable sa boss nya, o yung naisip nyang dahilan na mukhang reasonable sa boss nya, yung nga lang hindi totoo. Sa madaling salita, isang kasinungalingan. At least daw, wala ng masyadong tanong-tanong pa, siguradong papayagan siya.

Parang ang hirap malagay sa ganoong posisyon diba? Kung sasabihin mo ang totoo, hindi ka papayagan. Kung magsisinungaling ka naman, sure na papayagan ka. Saan ka pa!

Mabuti na lang hindi pa ako nalalagay sa mga pagkakataon na kailangan kong mag-decide na buhay ang nakataya. Parang yung pinalabas daw isang beses sa tv. Nasa abroad yung misis, naiwan ang mister sa Pilipinas. Tapos nagkasakit ang mister. Ngayon hindi makauwi si misis dahil ilang taon na lang daw, magiging green card holder na siya. Nag-sacrifice sila para daw sa kinabukasan ng mga anak nila. So hindi umuwi yung misis hanggang mamatay na ang mister nya dito sa Pilipinas ng hindi man lang nya nadadalaw. O kaya tulad ng nangyari sa isang kilala ko. Buntis siya, kambal. Sinabihan na siya ng doctor na mag-ingat sa biyahe. Na huwag ng magdyi-jeep para hindi masyadong mahirapan. Eh kaso naman kapos sa pera, wala siyang pang-taxi. Kailangan din nya pumasok kung hindi wala silang panggastos sa panganganak. Hindi siya pwedeng magpahinga lang sa bahay. Kaya masyadong na-stress. Nakunan.

Tsk tsk tsk…

July 7, 2008

No comments: