Tungkol Sa Lagnat Ni Pating

If there are only 2 kinds of people in the world, one would be those people who write blogs, and the other those who read blogs. Huwag na nating isama yung mga hindi nag-iinternet at mga nag-iinternet nga pero hindi alam o walang pakialam sa blogging. Kunwari hindi sila tao para tumama yung sinabi kong dalawa lang ang klase ng tao sa mundo. Tinatanong nga ako ng kuya ko bakit daw hindi ako nagboblog. Kase alam nya naman yata na nagsusulat ako ng mga kanta mula ng marinig ko ang kantang Binibini ni Andrew E at palitan ko ang lyrics ng pangalan ng kapitbahay naming babae. Bakit nga ba hindi ako nagboblog? Unang-una, kung lahat ng tao magbo-blog, sino pa ang magbabasa? Pangalawa, hindi kase ako magaling magkwento. Hindi ako marunong magdeliver ng jokes. Hindi ako nagsasalita kapag hindi kinakausap. Madalas nga hindi talaga ako nagsasalita. Nung elementary nga ako, napalakpakan ako kase narinig ng katabi ko ang boses ko. Hindi rin naman ako loner, kase mula naman ng bata ako, meron akong barkada. Nung hindi pa kami nag-aaral nandyan na yung mga kapitbahay namin. Hindi na nga lang din kami masyadong nagkakasama-sama ngayon pero nandyan pa din naman sila pag kailangan mo. At ang best friend ko sa elementary ko nakilala. Nung high school naman, sumasama ako sa mga classmates ko pag nag-i-Street Fighter sila sa Megamall kahit hindi ako marunong non. Sa college naman madalas din meron akong kasabay pumasok sa subject naming Movie Appreciation 101 sa mga SM malls. 3 units kase yon kaya 1 to 2 movies ang quota namin. Sa work naman, nagkaroon ako ng mga repapips. Sa bahay naman may time pa nga na dalawang summer outing ang nasasamahan ko, isa sa Tropang Gimik at isa sa Tabing-Ilog. Pero kahit sinong barkada ang samahan ko, iisa lang ang role na ginagampanan ko. Hindi ako yung joker sa tropa, hindi ako yung laging bumabangka, laging humahamig, laging nagpapasaya sa pagsasama-sama. Ako lang lagi yung taga-tawa sa jokes, taga-pakinig sa mga chismisan, minsan siguro pinagsasabihan ng problema. Sabi nga ng isang officemate ko (kung tama ang pagkakarinig ko at kung tama ang pagkakaintindi ko) I’m a good listener. I’m a better listener than as a speaker. Parang ganon din siguro sa blogging. I’m a better reader than I am as a writer.


But it doesn’t mean that I can’t write. Naalala ko tuloy yung isang project namin dati sa college. Christmas break kase and our Religion prof decided to give us a project much like a diary, or a journal. Magsulat ka lang ng at least mga 10 entries sa “diary” mo, kahit ano. Kung ano ang pumasok sa isip mo, pwede mong ilagay. Pwede ka ding mag-drawing, gumawa ng comics. Kahit ano basta lagyan mo ng entry ang “diary”. Alam ko, na “very good” ako doon sa project na iyon, at sa tingin ko dahil doon bumilib ang prof ko sa akin at binigyan ako ng uno sa classcard. Parang diary din naman ang blog, diba?

Ang problema lang, yung project namin, kailangang gawin kaya napilitan akong gawin yon. E ngayon, wala akong motivation. Kung may “lagnat” lang saka ako nagsusulat. Ayaw ko namang magsulat para lang sumikat. Hindi din naman dahil dito buhay namin ay aangat. Ito ngang sinusulat ko ngayon, hindi ko alam ang magandang pamagat.

Siguro makapag-blog lang ako once a year, it will be an accomplishment on my part. Iyon lang ang target ko. Kase kung gagalingan kong mag-blog, baka hindi ko na magampanan yung pagiging better reader ko. Hindi naman pwedeng magaling ako magsulat at magaling magbasa. Sobra-sobra na yon. Baka wala na kong ibang gawin nyan kundi ang tumitig araw-araw, minu-minuto sa monitor ng pc. There’s more to life than blogging. Ayaw ko ding tawaging blog itong ginagawa ko, baka sabihin nakikiuso lang ako. Pero susubukan kong ikwento sa inyo ang nangyayari sa buhay ko, o sa isip ko, sa susunod na lagnatin ako.



Sat., May 26, 2007